Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Tuesday, January 22, 2008

A. PANGKAASALAN 4 - Hakbang sa Matalinong Pagpapasya

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 4
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Nakabibigay ng obserbasyon sa ipinakitang larawan
2. Nakakabuo ng isang matalinong pagpapasya kapag hinihingi ng pagkakataon
3. Naisusulat ang mga hakbang sa matalinong pagpapasya ng karakter sa TV ad

II. Paksang-Aralin:
Hakbang sa Matalinong Pagpapasya
Integrasyon:
• EKAWP – Komunikasyon sa loob ng pamilya
• Filipino – Pagbubuod ng kwento
Referens:
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Tekstbuk, pp. 63-64
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 33-34
• Ovaltine TV ad na “Oh No! Monster”
http://youtube.com/watch?v=setXARtnEnQ
Mga Kagamitan:
• Larawan ng pamilyang nagmimiting
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga mag-aaral para sa talakayan

B. Motiveysyon
1. Pagpapakita ng larawan ng pamilyang nagmimiting
• Ano ang obserbasyon nyo sa pamilyang nasa larawan?
• Ganoon din ba kayo sa bahay?
• Anong uri ng pamilya may nakakapag-usap-usap?

C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapabasa ng teksto sa pahina 63 ng tekstbuk
2. Pagpapabuod ng binasa

D. Malayang Talakayan
1. Magkaroon ng pagpapalitan ng kuru-kuro tungkol sa paksang tinatalakay.
• Ano ang opinyon mo tungkol sa binasang teksto?
• Sumasang-ayon ba kayo?
2. Hayaang magreport ang mga lider ng bawat pangkat sa kanilang ginawang pag-aaral.
3. Hikayating bumuo ng paglalahat ang mga bata sa inireport.

E. Paglalahat
Isa-isahin ang mga hakbang sa matalinong pagpapasya.

F. Paglalapat
Ano ang nagagawa sa tao kung nakabubuo ng matalinong pagpapasya?

G. Pagsasagawa
1. Panoorin ang TV ad na “Oh No! Monster” ng Ovaltine.



2. Sundan ang hakbang sa matalinong pagpapasya ng karakter.
3. Ilista ang:
a. Suliranin
b. Layuning itinakda
c. Mga pagkukunan
d. Pasya
e. Ginawang pagsasakatuparan
f. Pagpapahalaga

IV. Asaynment
Maglista ng mga suliraning hinaharap, gawan ng pagpapasya at isagawa ang iba’t ibang hakbang.