Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Tuesday, January 22, 2008

C. PANGKALUSUGAN 3 - Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagiging Maayos

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 11
Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Natutukoy ang tungkulin, karapatan at pananagutan ng bawat kasapi ng mag-anak
2. Natatalakay ang kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin at pananagutan tungo sa kasiya-siyang pamumuhay ng mag-anak
3. Naililista ang mga tagubilin at karapatan sa tahanan

II. Paksang-aralin:
Tungkulin, Karapatan at Pananagutan ng Bawat
Kasapi ng Mag-anak
Integrasyon:
• EKAWP – Paggalang sa magulang
• Filipino - Panlapi at salitang-ugat
Referens:
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Tekstbuk, pp. 26-28
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 11-13
• Anchor Milk TV ad na “Anchor Family” http://www.youtube.com/watch?v=5pNaWERKgbs
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Bigyan ng pagsasanay ang mga bata tungkol sa mga paraan ng pangangalaga ng kasuotan.
2. Pagbalik-aralan ang hakbang sa paglalaba

B. Motiveysyon
1. Ipapanood ang TV ad na “Anchor Family” ng Anchor Milk.



• Paano nyo ilalarawan ang pamilya sa advertisement?
• Anu-anong mga gawain pambahay ang magagawa ng isang batang malusog at malakas?

C. Paglalahad ng Aralin
1. Paano ka nakatutulong sa gawaing bahay?
2. Ihalad ang aralin.

D. Pag-alis ng Sagabal
Talakayin ang kahulugan ng mga sumusunod na talasalitaan sa pamamagitan ng pagtuklas sa salitang-ugat at mga panlaping ginamit. Gamitin ang mga nilapian at salating ugat nito sa pangungusap.
tungkulin karapatan pananagutan ginagampanan
D. Malayang Talakayan
• Anu-ano ang mga tungkulin at pananagutan ng ama sa kanyang pamilya?
• Bakit tinagurian silang “haligi ng tahanan”?
• Anu-ano naman ang tungkulin at pananagutan ng ina sa kanyang pamilya?
• Bakit tinagurian silang “ilaw ng tahanan”?
• Kayo bilang mga anak, anu-ano ang mga tungkulin at pananagutan nyo?
• Ano namang taguri ang nababagay sa mga anak?
• Ibalangkas natin ang mga sagot.

Kasapi ng mag-anak Tungkulin/Karapatan Pananagutan
A. Tatay
B. Nanay
C. Mga anak

E. Paglalapat
• Bakit mahalaga ang pagtupad sa tungkulin?
• Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi mo gagampanan ang inyong tungkulin?

F. Pangwakas na Gawain
Ipalista sa mga bata ang kanilang mga tagubilin at karapatan sa tahanan.

IV. Evalyuweysyon
Bilang pagpapahalaga, ipasagot sa mga bata ang pantiyak na pagsubok.

Piliin sa Hanay B ang tamang sagot.
A B
1. Karapatan a. Mga gawaing ibinibigay sa bawat
kasapi ng mag-anak upang gampanan
2. Tungkulin b. Mga kalagayang tinatamasa ng
bawat kasapi ng mag-anak na may hangganan at katumbas na pananagutan
3. Pananagutan c. Obligasyon
4. Ginagampanan d. Mga tungkuling dapat gampanan
5. Kasiya-siyang pamumuhay
e. Maayos at mabuting pagsasamahan
ng mag-anak

V. Asaynment
1. Ipatala sa mga bata ang mga paraan ng paggalang sa karapatan ng mga kasambahay. Ipaulat sa klase.

No comments: