Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Tuesday, January 22, 2008

D. PANGKAPALIGIRAN 2 - Matalinong Pangangalaga ng Pinagkukunang-Yaman

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 14
Edukasyong sa Kagandahang-Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Naisasagawa ang mga paraan ng matalinong pangangalaga ng likas na pinagkukunang-yaman
2. Nakakasunod sa mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit ng pinagkukunang-yaman.
3. Napapahalagahan ang pinagkukunang-yaman
4. Nakasusulat ng sariling mga pangungusap sa sitwasyong kaugnay ng paksa

II. Paksang-aralin:
Matalinong Pangangalaga ng Pinagkukunang-Yaman
Integrasyon:
• HEKASI – Magagandang tawanin sa Pilipinas
• Filipino – Pagbubuo ng pangungusap
Referens:
• Pilipino sa Ugali at Asal 6, pp. 22-29
• Globe TV ad “Giants” http://youtube.com/watch?v=b_aruPRc5-Q
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga mag-aaral para sa talakayan

B. Motiveysyon
1. Pagpapanood ng TV ad na “Giants” ng Globe



• Anu-anong likas na yaman at magagandang tawanin sa Pilipinas ang makikita sa TV ad?
• Bakit sinasabing “Ang likas na yaman ay handog ng Maykapal, Matalinong pangangalaga nito’y kabutihang asal”

C. Paglalahad ng Aralin
• Anu-ano ang mga maaaring maging epekto ng pag-abuso sa kapaligiran?
• Anu-ano ang mga maaaring gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran?
• Ilahad ang araling tatalakayin.

D. Malayang Talakayan
• Paano mapapangalagaan ang kapaligiran?
• Nasaan ang mga pinagkukunan-yaman sa bansa? Ilarawan ito.
• Anong yaman ang tinutukoy sa pinagkukunang-yaman sa bansa?
• Paano ito nakatutulong sa taong-bayan?
• Paano magagamit ng taong-bayan ang hango sa pinagkukunang-yaman?

E. Paglalapat
Ano ang halaga ng pinagkukunan-yaman ng bansa sa buhay ng tao?

F. Pagsasagawa
Sumulat ng isa o dalawang pangungusap tungkol sa
sumusunod. Isulat ito sa nowtbuk o sa papel.

• Nagpiknik ang inyong klase sa isang beach resort. Bago kayo umalis, sinabihan kayo ng inyong guro na linisin ang paligid.
• Sa paglalakad mo sa bukid, nakakita ka ng kakaibang uri ng paru-paru.
• Niyaya ka ng iyong kaibigan na manirador ng ibon sa parang.

IV. Asaynment
1. Gumawa ng plakards tungkol sa matalinong pangangalaga ng kalikasan at pinagkukunang-yaman.
2. Maglista ng TV ads na kumakatawan sa pangangalaga sa pinagkukunang-yaman. Ilahad ito sa klase.

No comments: