Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Tuesday, January 22, 2008

B. PANGKABUHAYAN 2 – Pandarayuhan

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 6
Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HEKASI)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Naiisa-isang ipaliwanag ang mga dahilan ng pandarayuhan
2. Nasasabi ang nararapat na ugali ng mga nandarayuhan
3. Naiguguhit ang isang sitwasyong nagpapakita ng uri ng pandarayuhan

II. Paksang-aralin:
Pandarayuhan
Integrasyon:
• EKAWP – Paggalang sa opinyon ng iba
• Filipino – Pagbibigay ng katuturan
Referens:
• Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, Tekstbuk, pp. 12-15
• Smart TV ad na “Stewardess” http://www.youtube.com/watch?v=7rl4DQZNGfE
• Super Ferry TV ad na “Ms. Barangay” http://www.youtube.com/watch?v=9FnZfcWDHN8
• Talk N Text TV ad na “Tropa” http://www.youtube.com/watch?v=jWhBRIfbwkk
Mga Kagamitan:
• Coupon bond at pangkulay
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga mag-aaral para sa talakayan

B. Motiveysyon
1. Isulat sa blakbord ang salitang “Pilipino”.
• Anong pakahulugan ang maibibigay nyo sa salitang ito?
• Pakisulat sa blakbord ang iyong sagot.
2. Ipasuri sa klase ang mga kahulugang ibinigay. Ipatukoy ang mga magkakatulad at itanong kung tatanggapin nilang lahat ang mga ito o kaya ay aalisin na lang ang iba at pipili ng isa. Ipapuna rin kung may maling ideya at ipawasto ito.
3. Ipabuo ang mga mapagkakasunduan nilang paliwanag sa salitang “Pilipino”.
4. Ibigay ang kahulugan ng “Pilipino” at populasyon ayon sa sariling pananaw.

C. Paglalahad ng Aralin
• Sinu-sino sainyo ang dating naninirahan sa ibang lugar?
• Bakit kayo lumipat o nandayuhan sa lugar na tinitirhan nyo ngayon? Itala ang mga sagot sa blakbord.
• Sino naman ibig lumipat ng lugar na titirhan o mandayuhan kung magkakaroon ng pagkakataon? Bakit?
• Ipaalam ang paksang tatalakayin.

D. Malayang Talakayan
• Ano kaya ang magiging epekto sa isang tao ng paglipat ng tirahan o pandarayuhan sa lugar na nilipatan at inalisan?
• Anong kahulugan ang maibibigay nyo sa datos tungkol sa pandarayuhan sa bansa?
• Sa aling mga lugar pumupunta ang karamihan sa mga nandarayuhan? Sa aling lugar naman kakaunti ang pumupunta? Bakit kaya?
• Ano ang mga salik at katangian ng pandarayuhan?
• Ilan na bang dayuhan ang nakarating sa bansa natin?

E. Paglalahat
Bakit nandarayuhan ang tao?

F. Pagsasagawa
1. Gumuhit ng isang sitwasyong nagpapakita ng uri ng pandarayuhan.
2. Kulayan at lagyang ng taytel.

IV. Evalyuweysyon
Tukuyin ang salik at katangian ng pandarayuhan na makikita sa bawat TV ad
• “Stewardess” ng Smart – hanapbuhay, pandarayuhang panlabas



• “Ms. Barangay” ng Super Ferry – edad, pandarayuhang panloob (urban)



• “Tropa” ng Talk N Text – edad, pandarayuhang panloob (rural)




V. Asaynment
1. Kumuha ng mga datos tungkol sa populasyon ng inyong barangay mula sa inyong kapitan.

Halimbawa: bilang ng populasyon sa loob ng ilang panahon, kasarian, gulang at iba pa

2. Ilahad ito sa pamamagitan ng tsart.

No comments: