Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Tuesday, January 22, 2008

B. PANGKABUHAYAN 3 - Mangarap at Isagawa

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 7
Edukasyong sa Kagandahang-Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Naisasalaysay ang pansariling mga pangarap sa buhay
2. Nakakapagmungkahi ng mga paraan para sa pagsasakatuparan ng mga mithiin sa buhay
3. Naihahayag ang kahalagahan ng mga pangarap sa buhay
4. Naisasadula ng pangkatan ang mga pangarap sa buhay

II. Paksang-aralin:
Mangarap at Isagawa
Integrasyon:
• Science – Vitamins and minerals
• Filipino - Pangungusap
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
Referens:
• Character Education 6, p. 100
• Centrum TV ad na “I Wanna Be Complete (Lara)”
http://youtube.com/watch?v=V89-V8YMV-s

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga mag-aaral para sa talakayan

B. Motiveysyon
• Anu-ano ang mga balak nyo kapag nasa hayskul na kayo o kapag nasa college na?
• Paano nyo tutuparin ang mga pangarap na iyon? Isalaysay nga.

C. Paglalahad ng Aralin
1. Madaling matutupad ang pangarap sa buhay kong positibo ang tingin natin sa buhay.
2. Basahin natin ang sanaysay ng ating paksa, Mangarap at Isagawa. Tingnan natin ang inilalahad ukol sa pangarap.

D. Pag-alis ng Sagabal
1. Bigyang kahulugan ang salitang “mangarap”.
2. Ipagamit ito sa sariling pangungusap.
3. Ipatukoy ang uri ng pangungusap na gamit.

E. Malayang Talakayan
1. Panuorin natin ang TV ad na “I Wanna be Complete (Lara)” ng Centrum.



• Ano ang ibig nyang sabihin ng “I want to be complete”? Ipaliwanag.
2. Iugnay ang sinabi ni Lara sa nakatala sa sanaysay ukol sa pangarap.
• Bakit sinabing isagawa ang pangarap?
• Ano ang palatandaan na natupad o naisagawa mo ang iyong pangarap?
• Ano ang mga dapat gawin upang matupad ang pangarap?
• Anu-anong vitamins at minerals ang nakita sa TV ad? Tukuyin kung bitamina o mineral ang binanggit.
• Paano makatutulong sa pagtupad ng mga pangarap ang vitamins at minerals ayon sa pananaw ni Lara?

F. Paglalahat
1. Magbigay ng mga hakbang na maaaring gawin sa ikatutupad ng mga pangarap sa buhay.

G. Paglalapat
Bakit mahalagang may pangarap ka sa buhay?

H. Pagsasagawa
1. Pangkatin ang klase upang magsadula tungkol sa pangarap sa buhay pagkalipas ng 10 taon.

IV. Asaynment
1. Sumulat ng isang talata tungkol sa pamagat na “Ako Pagkalipas ng 10 Taon”.
2. Ihalad ito sa klase.

No comments: