Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Tuesday, January 22, 2008

C. PANGKALUSUGAN 4 – Ang Mapagmahal na Nilalang

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 12
Edukasyong sa Kagandahang-Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga bagay na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos
2. Nakagagawa ng sariling opinyon batay sa paksang pinag-uusapan
3. Napapahalagahan ang mga detalye sa sanaysay
4. Nakasusulat ng maikling sanaysay sa paksang “Ipagpasalamat sa Diyos”

II. Paksang-Aralin:
Ang Mapagmahal na Nilalang
Integrasyon:
• Filipino - Sanaysay
• HEKASI – Pamilyang Pilipino
Referens:
• Character Education 6, pp. 19-25
• TV ad na “Anak” ng Bioflu http://www.youtube.com/watch?v=Epqj2gjH2lw
Mga Kagamitan:
• CD player at kopya ng kantang “Anak” ni Freddie Aguilar
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng klase.

B. Motiveysyon
1. Pagpapatugtog at pagkanta ng “Anak” ni Freddie Aguilar
• Gaano ninyo kamahal ang inyong mga magulang?
• Anu-ano ang mga katangiang taglay ng inyong mga magulang?
• Paano naiiba ang pamilyang Pilipino sa ibang lahi?

C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagbasa ng maikling sanaysay patungkol sa pagmamahal ng Diyos

D. Panlinang na Gawain
1. Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:
• Tungkol sa anong bagay ang sanaysay na napakinggan?
• Sino ang tinutukoy na nilalang sa sanaysay?
• Anu-ano ang mga gawain na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos?
• Bakit may naghihirap ang tao kung mahal ng Diyos ang tao?

E. Paglalahat
1. Bakit dapat na makontento ang bawat tao sa mga bagay na laan lamang sa kanya?

F. Paglalapat
1. Tukuyin at ipaliwanag kung alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapasalamat sa Diyos.
• Pagdarasal pagkagaling at bago matulog
• Pakikipag-away sa mga mag-aaral
• Pagdadabog kung hindi napagbigyan sa kahilingan

E. Pagsasagawa
1. Ipapanood ang TV ad na “Anak” ng Bioflu.



2. Tukuyin kung papaano ipinakita o ipinadama ang pagmamahal ng magulang sa anak.
3. Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa paksang “Ipagpasalamat sa Diyos.”

IV. Asaynment
Mag-lista ng mga bagay na gusto mong pasalamatan sa Diyos.

No comments: