Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Tuesday, January 22, 2008

D. PANGKAPALIGIRAN 3 - Ang Matalinong Pamimili

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 15
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Natutukoy ang katangian ng sariwa at di-sariwang pagkain
2. Naiisa-isa ang mga wastong kaugalian sa pagpili, paghahanda, at pagluluto ng pagkain
3. Nabubuo ang lista ng bentahe at disbetahe ng mga nakapaketeng panimpla at sangkap

II. Paksang-aralin:
Ang Matalinong Pamimili
Integrasyon:
• EPK – Kaangkupang pisikal
• EKAWP – Paggalang sa opinyon ng iba
Referens:
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Tekstbuk, pp. 116-117
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 109-111
• Knorr TV ad na “Mechanics - Manghuhula” http://youtube.com/watch?v=fLjtv0LNPzY
Mga Kagamitan:
• Mga sariwang gulay, prutas, pirasong karne, isada, itlog atbp.
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga mag-aaral para sa talakayan

B. Motiveysyon
• Ano ang Tatlong Pangkat ng Pagkain?
• Paano pinapangkat ang mga pagkain?
• Bakit mahalagang malaman ang iba’t ibang pangkat ng pagkain?

C. Paglalahad ng Aralin
• Anu-ano ang mga dala ninyong sariwang pagkain?
• Saang pangkat kasali ang inyong dalang sariwang pagkain?
• Anu-ano ang wastong kaugalian sa pagpili, paghahanda, at pagluluto ng pagkain?
• Ilahad ang aralin.

D. Pag-aalis ng Sagabal
1. Bigyang kahulugan ang mga salitang “napapanahon” at “etiketa”, at gamitin ito sa sariling pangungusap

E. Malayang Talakayan
• Paano nyo nakikilala kung sariwa ang pagkain?
• Sariwa ba ang dinala nyong gulay at prutas?
• Anu-ano ang mga palatandaan na ang mga ito ay sariwa at di-sariwa?
• Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang sariwang pagkain?
• Paano ito nakatutulong sa pagpapalakas ng katawan?
• Bukod sa pagkain ng masusustansyang pagkain, anu-anong gawain ang makatutulong upang maging ang pisikal na pangangatawan ng isang tao?

F. Paglalahat
Anu-ano ang mga bitaminang nakukuha sa gulay at prutas?

G. Paglalapat
Bakit mahalagang may tamang ugali sa pamimili at paghahanda ng pagkain sa pagluluto?

H. Pagsasagawa
1. Ipapanood ang TV ad na “Mechanics - Manghuhula” ng Knorr



• Ano ang opinyon tungkol sa mga nakapaketeng panimpala at sangkap tulad: sinigang at sampalok mixes, at chicken at pork cubes?
2. Ipalista ang mga bintahe at disbentahe ng mga
nakapaketeng panimpla at sangkap.

IV. Evalyuweysyon
Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Mas makakatipid tayo sa oras, lakas, at salapi kung tayo
ay mamimili ng _____.
a. paisa-isa b. paunti-unti c. araw-araw d. maramihan
2. Paano pipilin ang sariwang isda?
b. mapula ang hasang c. mapula ang mga mata
c. may masamang amoy d. lumulutang sa tubig
3. Mapapadali ang pamimili at walang makakalimutan kung may
ihinandang _____.
a. resipe c. lista ng pamimilhin
b. menu d. lista ng pagkain
4. Anong katangian ng pagkain ang dapat isaalang-alang sa
pamimili?
a. mura b. malinis c. masarap d. masustansya
5. Sa pamimili ng mga gulay, higit kang makakatipid kung
bibilhin mo ang _____.
a. ginadgad na c. magulang na
b. balat at putol-putol na d. bagong pitas

V. Asaynment
Pag-aralan ang sunod na aralin sa p. Ilahad sa klase.118-120

No comments: