Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Showing posts with label Pandiscussion. Show all posts
Showing posts with label Pandiscussion. Show all posts

Tuesday, January 22, 2008

A. PANGKAASALAN 1 - Tempo

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 1
Musika (MSEP)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Nakikilala ang iba’t ibang tempo ng isang awitin/tugtugin
2. Nakakasunod sa tempong accelerando (papabilis na pag-awit/pagtugtog) at ritardando (papabagal na pag-awit/pagtugtog)
3. Naaawit ang Pandangguhan na ayon sa tamang tempo

II. Paksang-Aralin:
Tempo
Integrasyon:
• EKAWP – Pagtitiwala sa sariling kakayahan
• EPP – Pagtitipid ng pinagkukunan
• Science – Other uses of plants and fruits
Referens:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk pp. 60-66
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 53-58
• Rejoice TV ad na “Kering-Keri” http://youtube.com/watch?v=sUZVvY_W018
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)
• Musical score ng “Pandangguhan” d menor 3/4 mi
• Pitch pipe

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpraktis ng tinig o vokaliseysyon

B. Motiveysyon
1. Paglalahad ng musical score ng “Pandangguhan”
2. Pagpapakanta ng “Pandangguhan”.
• Ano ang key signature ng kanta? Anong tunugan ito?
• Ano ang tinatalakay sa kanta?

C. Paglalahad ng Aralin
1. Paano natin kinanta ang awit?
2. Ilahad ang aralin.

D. Malayang Talakayan
1. Pagpapasuri ang musical score ng kanta
• Anu-ano ang mga ginamit na simbolo o pananda sa kanta?
• Anong bahagi ng kanta ang kailangang kantahin sa tempong andante?
• Subukan nga nating kantahin?
• Nasaan sa musical score ang panandang accelerando? ritardando?
• Paano inaawit ang bahaging may simbolong accelerando? ritardando?

2. Ipapanood ang TV ad na “Kering-keri” ng Rejoice.



• Ano ang tempo?
• Anu-ano ang iba’t ibang panandang para sa tempo?
• Ano ang kahulugan ng accelerando? ng ritardando?
• Aling bahagi ng kanta ang kinakanta sa tempong andante?
• Paano ipinapahiwatig ang damdamin ng kanta sa bahaging ito?
• Paano nakatulong ang paggamit ng upang magtiwala sa sariling kakayahan si Kim Chui?
• Gaano kayo kadalas at katagal maligo? kadalas gumamit ng shampoo?
• Ano ang mga alternatibong natural na panlinis at pampalago ng buhok?

E. Paglalahat
• Paano inaawit ang mga bahagi ng komposisyon na may panandang adante, accelerando at ritardando?
• Ano ang nabubuo sa inyong sarili kapag naaawit mo sa tamang tempo ang isang awit?

F. Pagsasagawa
Ipaawit muli ang “Pandangguhan” nang pinapasunod ang lahat ng mga panandang pantempo.

IV. Asaynment
Pag-aralan ang sunod na aralin sa p. 67-69

A. PANGKAASALAN 2 - Linya at Lawak sa Paningin

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 2
Sining (MSEP)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng hugis at sukat sa lawak ng espasyo
2. Naipapakita ang kayarian ng galaw at ilusyon ng espasyo sa pamamagitan ng linya
3. Naiguguhit nang buong husay ang iba’t ibang elemento sa pagpapalawak ng espasyo

II. Paksang-aralin:
Linya at Lawak sa Paningin
Integrasyon:
• EKAWP – Matatag na relasyon
• English - Proverbs
Referens:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk, pp. 86-90
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 68-73
• Globe TV ad na “Bridges” http://youtube.com/watch?v=fUjvhX2fKc
• Globe TV ad “Giants” http://youtube.com/watch?v=b_aruPRc5-Q
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga bata sa talakayan.

B. Motiveysyon
• Ano ang linya?
• Anu-ano ang iba’t ibang katangian nito?

C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapatayo sa mga bata sa dulo ng isang mahabang corridor o pagpapamasid ng larawan sa pahina 86
• Ano ang napapansin mo sa mga linya sa magkabilang gilid ng daan?
2. Ilahad ang tatalakaying aralin.

D. Pag-aalis ng Sagabal
1. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod: horizon o guhit-tagpuan, invisible point o hinagap na tuldok, at invisible lines o hinagap na mga guhit

E. Malayang Talakayan
1. Ipapanood ang TV ad na “Bridges” ng Globe.



• Ano ang ipinapahiwatig ng ribbon sa advertisement?
• Ano ang kaugnayan ng pagliit ng ribbon sa lawak ng paligid?
2. Ipapanood ng TV ad na “Giants” ng Globe.



• Ano ang pagkakaiba ng tao o bagay na nasa pinaka-ibaba at nasa pinaka-itaas na parte ng screen: magkapatid, mga hagdan ng Banawe Rice Terraces, Chocolate Hills, magbarkada, at mag-ina?
• Saang mga eksana sa advertisement makikita ang horizon o “guhit-tagpuan”?
• Gaano kahalaga ang sukat ng tao o bagay upang maipakitang magkalayo ang bawat isa?
• Bakit mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon?
• Ano ang kahulugan ng mga kasabihang “Out of sight, out of mind” at “Absence makes the heart grow fonder”?
• Alin proverb ang mas pinaniniwalan nyo?

E. Paglalahat
Paano mo maipapakita ang galaw at lawak sa paningin ng espasyo sa pamamagitan ng linya?

F. Pagsasagawa
1. Sa isang puting papel ay gumuhit ng isang malaking parihaba.
2. Ilagay ang mga sumusunod sa lugar na nais mo:
a. Horizon o “guhit-tagpuan”
b. Invisible point o “hinagap na tuldok”
c. Invisible lines o “hinagap na mga guhit”
d. Mga payak na linya sa loob ng invisible line.
Tiyakin na ang dalawang dulo ng mga linya ay umaabot sa dalawang invisible lines. Maaari kang gumawa ng mga nakatayong linya o mga nakahigang linya. Iwasan ang mga nakahilig na guhit.
3. Burahin ang invisible point at invisible lines.
4. Lagyan ng pamagat ang ginawa mong pagpapalawak ng espasyo.

IV. Asayment
Pag-aralan ang sunod na aralin sa p. 118-120

B. PANGKABUHAYAN 1 – Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 5
Heograpiya, Kasaysayan at Sibika (HEKASI)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Nasusuri ang mga karapatan ng mamamayan Pilipino ayon sa isinasaad ng Saligang Batas
2. Naipapakita ang karapatan sa pagganap ng mga tungkulin o pananagutan bilang mamamayang Pilipino
3. Naipamamalas ang kasanayan sa kaalaman sa iba’t ibang karapatan ng mamamayan sa tulong ng role playing

II. Paksang-Aralin:
Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino
Integrasyon:
• EKAWP – Pagpapahalaga sa kalayaan at karapatan
• Filipino – Pagtutulad at paghahambing
Referens:
• Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, Tekstbuk, pp. 144-150
• Pilipinas: Bansang Papaunlad 6, Manwal ng Guro, pp. 50-56
• Tide TV ad na “Gulat Ka? (Rally)” http://www.youtube.com/watch?v=jAT-4w1w8Do
• Talk N Text na “Reporter” http://youtube.com/watch?v=QJLqyzz0DI4
• ABS-CBN ad na “Iboto Mo, Patrol Mo” http://youtube.com/watch?v=ngkM-dXotq4
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Lagyan ang bulletin board ng mga piktsur, balita at iba pang impormasyon tungkol sa katayuan ng mga mamamayan. Ihanda rin ang mga babasahin, tulad ng kopya ng Saligang Batas na gagamitin sa klase.

B. Motiveysyon
1. Tawagin ang pansin ng klase sa mga impormasyon sa bulletin board.
• Ano ang ipinapahiwatig sa bawat piktsur?
• Ano ang kaugnayan nito sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino?

C. Paglalahad ng Aralin
• Ano ang nasusulat sa Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987?

D. Malayang Talakayan
1. Isa-isang talakayin ang mga karapatan at kalayaang dapat matamo ng mga mamamayang Pilipino.
2. Ipaliwanag ang bawat karapatan o pananagutan ng mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas.
• Ano kaya ang epekto sa isip ng tao kung hindi natamo ang karapatan bilang mamamayan?
• Ilang karapatang pantao meron sa Saligang Batas mg Pilipinas?
3. Pagpapanood ng mga sumusunod na TV ads upang suriin ang nilalaman:
a. “Gulat ka? (Rally) ng Tide – karapatan sa pagnanalita at pamamahayag, at karapatan sa mapayapang pagtitipon at pagpepetisyon


b. “Reporter” ng Talk N Text – karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya, karapatan sa pananalita at pamamahayag, at, kalayaan sa paninirahan at paglalakbay


c. “Boto Mo, Ipatrol Mo ng ABS-CBN – karapatan sa Pagboto, karapatan sa pagnanalita at pamamahayag, at karapatan sa mapayapang pagtitipon at pagpepetisyon



• Tukuyin ang iba’t ibang karapatang nasa TV ads at ihambing sa karapatan ng mamamayan na itinatala Saligang Batas.

E. Paglalahat
Bumuo ng kongklusyon sa bawat karapatan ng isang mamamayan.

F. Pagsasagawa
Gumawa ng role play ukol sa karapatan ng mamamayan.

IV. Evalyuweysyon
Sabihin kung ang sumusunod ay itinakda o ipinagbabawal ng Saligang Batas. Isulat ang IT kung itinatakda at IP kung ipinagbabawal. Gumamit ng sagutang papel.
a. bill of attainder
b. ex post facto law
c. pagpipiyansa
d. pagbilanggo sa hindi makabayad ng utang
e. pagpiit nang walang paglilitis
f. labis-labis na multa
g. parusang kamatayan
h. pagsuspinde sa pribelehiyo ng writ of habeas corpus
i. pagtatanggol ng abogado
j. pagtestigo laban sa sarili

V. Asaynment
Sumulat ng isang sanaysay ukol sa kahalagahan ng Karapatang Pantao.

B. PANGKABUHAYAN 3 - Mangarap at Isagawa

Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 7
Edukasyong sa Kagandahang-Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP)
Ikaanim na Grado

I. Layunin
1. Naisasalaysay ang pansariling mga pangarap sa buhay
2. Nakakapagmungkahi ng mga paraan para sa pagsasakatuparan ng mga mithiin sa buhay
3. Naihahayag ang kahalagahan ng mga pangarap sa buhay
4. Naisasadula ng pangkatan ang mga pangarap sa buhay

II. Paksang-aralin:
Mangarap at Isagawa
Integrasyon:
• Science – Vitamins and minerals
• Filipino - Pangungusap
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
Referens:
• Character Education 6, p. 100
• Centrum TV ad na “I Wanna Be Complete (Lara)”
http://youtube.com/watch?v=V89-V8YMV-s

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga mag-aaral para sa talakayan

B. Motiveysyon
• Anu-ano ang mga balak nyo kapag nasa hayskul na kayo o kapag nasa college na?
• Paano nyo tutuparin ang mga pangarap na iyon? Isalaysay nga.

C. Paglalahad ng Aralin
1. Madaling matutupad ang pangarap sa buhay kong positibo ang tingin natin sa buhay.
2. Basahin natin ang sanaysay ng ating paksa, Mangarap at Isagawa. Tingnan natin ang inilalahad ukol sa pangarap.

D. Pag-alis ng Sagabal
1. Bigyang kahulugan ang salitang “mangarap”.
2. Ipagamit ito sa sariling pangungusap.
3. Ipatukoy ang uri ng pangungusap na gamit.

E. Malayang Talakayan
1. Panuorin natin ang TV ad na “I Wanna be Complete (Lara)” ng Centrum.



• Ano ang ibig nyang sabihin ng “I want to be complete”? Ipaliwanag.
2. Iugnay ang sinabi ni Lara sa nakatala sa sanaysay ukol sa pangarap.
• Bakit sinabing isagawa ang pangarap?
• Ano ang palatandaan na natupad o naisagawa mo ang iyong pangarap?
• Ano ang mga dapat gawin upang matupad ang pangarap?
• Anu-anong vitamins at minerals ang nakita sa TV ad? Tukuyin kung bitamina o mineral ang binanggit.
• Paano makatutulong sa pagtupad ng mga pangarap ang vitamins at minerals ayon sa pananaw ni Lara?

F. Paglalahat
1. Magbigay ng mga hakbang na maaaring gawin sa ikatutupad ng mga pangarap sa buhay.

G. Paglalapat
Bakit mahalagang may pangarap ka sa buhay?

H. Pagsasagawa
1. Pangkatin ang klase upang magsadula tungkol sa pangarap sa buhay pagkalipas ng 10 taon.

IV. Asaynment
1. Sumulat ng isang talata tungkol sa pamagat na “Ako Pagkalipas ng 10 Taon”.
2. Ihalad ito sa klase.