Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 9
Musika (MSEP)
Ikaanim na Grado
I. Layunin
1. Nakikilala ang mga awitin/tugtuging may anyong rondo
2. Natututuhan ang mga awitin at tugtugin ayon sa anyong rondo (ABACA)
3. Nakakasabay sa galaw ng awit at tugtog
II. Paksang-aralin:
Anyong Rondo
Integrasyon:
• Filipino - Diptonggo
• Sining - Collage
Referens:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk, pp. 33-36
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 37-41
• Knorr TV ad na “Makulay ang Buhay” http://youtube.com/watch?v=WHr-PQO8t5Y
Mga Kagamitan:
• Musical score ng “Play Song” sa tsart C 2/4
• Pitch pipe
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga mag-aaral para sa talakayan
B. Motiveysyon
1. Pagpapanood ng TV ad na “Makulay ang Buhay” ng Lucky Me at pagsabay ng klase sa pag-awit nito
• Ano ang napansin nyo sa kanta?
• Ang bahaging inuuli-ulit sa kanta ay:
Makulay (makulay)
Ang buhay (ang buhay)
Makulay ang buhay
Sa sinabawang gulay
• Ano-anung salitang may diptonggo ang nabanggit sa kanta?
gulay makulay buhay sabaw kami’y
C. Paglalahad ng Aralin
1. Ilahad ang araling Anyong Rondo.
D. Malayang Talakayan
• Bakit tinatawag na anyong rondo ang isang awit?
• Anong simbolo ang ginagamit?
• Ano ang natutunan nyo tungkol sa mga simbolong may kaugnayan sa anyo?
• Ilahad ang iskor ng “Play Song”.
• Alin ang unang bahagi ng kanta? ang ikalawa? ang ikatlo?
• Aling anyo ang magkapareho?
• Paano aawitin ang iba’t ibang bahagi ng kanta?
E. Paglalahat
• Ilang bahagi ang naririnig sa “Play Song”?
• Aling bahagi ang himig A, himig B, himig C at ang laging inuulit na himig A?
• Isulat ang anyo ng awit.
F. Pagsasagawa
1. Ipaawit sa mga mag-aaral ang “Maligang Araw” at ipasuri ang anyo.
2. Pagawin ng maikling ritmo at pabuuin ng isang rondo ang mga bata.
IV. Asaynment
Gumawa ng collage ng mga bagay na umiikot-ikot. Ilahad ito sa klase.
Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.
Labels
- Kaisipang Pangkaasalan (4)
- Kaisipang Pangkabuhayan (4)
- Kaisipang Pangkalusugan (4)
- Kaisipang Pangkapaligiran (4)
- Pandiscussion (4)
- Pang-activity (4)
- Pang-evaluation (1)
- Pangmotivation (7)
- Sa EKAWP (3)
- Sa EPP (5)
- Sa HEKASI (3)
- Sa MSEP (5)
Blog Archive
Showing posts with label Kaisipang Pangkalusugan. Show all posts

Tuesday, January 22, 2008
C. PANGKALUSUGAN 2 - Kabuuang Kaangkupang Pisikal
Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 10
Edukasyong Pagpapalakas ng Katawan (MSEP)
Ikaanim na Grado
I. Layunin
1. Naisasagawa ang mga wastong gawain na nagpapaunlad ng kabuuang kaangkupang pisikal
2. Naisasakilos ang mga gawaing magpapaunlad sa kaangkupan pisikal
II. Paksang-aralin:
Kabuuang Kaangkupang Pisikal
Integrasyon:
• EKAWP - Disiplina
• EPP – Buwanang-dalaw
Referens:
• Tayo Nang Magpalakas 6, Tekstbuk, pp. 27-30
• Tayo Nang Magpalakas 6, Manwal ng Guro, pp. 17-22
• Whisper “Do the Flexi moves” http://youtube.com/watch?v=ZHlZBq8Ki7o
Mga Kagamitan:
• Mga goma, desk, lubid, bean bag atbp.
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng klase.
B. Motiveysyon
1. Pagpapanood ng TV ad na “Do the Flexi Moves” ng Whisper.
• Anu-anong kilos ang ginawa sa TV ad?
• Bakit mahalagang gumamit ng sanitary napkin kapag may buwanang-dalaw ang kababaihan?
2. Paglalaro ng 1 – 2 – 3.
• Sa signal ng guro, gagawin ng lahat ng bata ang babanggiting kilos habang sumasabay sa kumpas ng “Do the Flexi Moves”
• Bibilang ng isa hanggang walo at pabalik sa isa habang ginagawa ang kilos.
• Sikaping makapagpagawa ng tatlong iba’t ibang kilos sa kabuuang kanta.
C. Panlinang na Gawain
1. Pagpunta sa bulwagan ng klase at pagsasaayos ng obstacle course.
2. Paglalahad ng walong balakid na dadaanan sa obstacle course.
• Anu-ano ang mga dapat na laging isaisip upang maiwasan na makasakit ng kapwa at mapangalagaan din ang sarili?
• Paano maitutulad sa buhay ng tao ang buong course?
• Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng malakas na pangangatawan at malusog na isipan upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok sa buhay?
• Anu-anong pagkain ang nakatutulong sa pagpapalakas ng katawan?
3. Pagpapraktis ng mga bata sa lugar ng mga kilos na dapat isagawa sa bawat istasyon.
D. Paglalapat
Anong dapat na nyong isaisip sa upang matamo ang kaagkupang pisikal?
E. Pagsasagawa
1. Hatiin sa walo ng klase upang makasali ang lahat at maiwasan ang kalituhan at bungguan.
2. Ilagay ang bawat pangkat sa 8 istasyon.
3. Sa signal na “SIMULA”, isasagawa ang kilos sa bawat istasyon ng bawat pangkat.
4. Makatapos ng 1 istasyon, tutuloy naman sa susunod na istasyon hanggang sa maikot ang 8 istasyon.
IV. Pagbibigay-Halaga
1. Alin sa mga balakid sa obstacle course ang nahirapan kayong gawin? Bakit?
2. Anong mga kakayahan ng katawan ang napapalakas ng mga gawain natin?
V. Assignment
Pag-aralan ng larong Lupa, Hangin, Apoy at Tubig.

C. PANGKALUSUGAN 3 - Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagiging Maayos
Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 11
Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado
I. Layunin
1. Natutukoy ang tungkulin, karapatan at pananagutan ng bawat kasapi ng mag-anak
2. Natatalakay ang kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin at pananagutan tungo sa kasiya-siyang pamumuhay ng mag-anak
3. Naililista ang mga tagubilin at karapatan sa tahanan
II. Paksang-aralin:
Tungkulin, Karapatan at Pananagutan ng Bawat
Kasapi ng Mag-anak
Integrasyon:
• EKAWP – Paggalang sa magulang
• Filipino - Panlapi at salitang-ugat
Referens:
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Tekstbuk, pp. 26-28
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 11-13
• Anchor Milk TV ad na “Anchor Family” http://www.youtube.com/watch?v=5pNaWERKgbs
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Bigyan ng pagsasanay ang mga bata tungkol sa mga paraan ng pangangalaga ng kasuotan.
2. Pagbalik-aralan ang hakbang sa paglalaba
B. Motiveysyon
1. Ipapanood ang TV ad na “Anchor Family” ng Anchor Milk.
• Paano nyo ilalarawan ang pamilya sa advertisement?
• Anu-anong mga gawain pambahay ang magagawa ng isang batang malusog at malakas?
C. Paglalahad ng Aralin
1. Paano ka nakatutulong sa gawaing bahay?
2. Ihalad ang aralin.
D. Pag-alis ng Sagabal
Talakayin ang kahulugan ng mga sumusunod na talasalitaan sa pamamagitan ng pagtuklas sa salitang-ugat at mga panlaping ginamit. Gamitin ang mga nilapian at salating ugat nito sa pangungusap.
tungkulin karapatan pananagutan ginagampanan
D. Malayang Talakayan
• Anu-ano ang mga tungkulin at pananagutan ng ama sa kanyang pamilya?
• Bakit tinagurian silang “haligi ng tahanan”?
• Anu-ano naman ang tungkulin at pananagutan ng ina sa kanyang pamilya?
• Bakit tinagurian silang “ilaw ng tahanan”?
• Kayo bilang mga anak, anu-ano ang mga tungkulin at pananagutan nyo?
• Ano namang taguri ang nababagay sa mga anak?
• Ibalangkas natin ang mga sagot.
Kasapi ng mag-anak Tungkulin/Karapatan Pananagutan
A. Tatay
B. Nanay
C. Mga anak
E. Paglalapat
• Bakit mahalaga ang pagtupad sa tungkulin?
• Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi mo gagampanan ang inyong tungkulin?
F. Pangwakas na Gawain
Ipalista sa mga bata ang kanilang mga tagubilin at karapatan sa tahanan.
IV. Evalyuweysyon
Bilang pagpapahalaga, ipasagot sa mga bata ang pantiyak na pagsubok.
Piliin sa Hanay B ang tamang sagot.
A B
1. Karapatan a. Mga gawaing ibinibigay sa bawat
kasapi ng mag-anak upang gampanan
2. Tungkulin b. Mga kalagayang tinatamasa ng
bawat kasapi ng mag-anak na may hangganan at katumbas na pananagutan
3. Pananagutan c. Obligasyon
4. Ginagampanan d. Mga tungkuling dapat gampanan
5. Kasiya-siyang pamumuhay
e. Maayos at mabuting pagsasamahan
ng mag-anak
V. Asaynment
1. Ipatala sa mga bata ang mga paraan ng paggalang sa karapatan ng mga kasambahay. Ipaulat sa klase.

C. PANGKALUSUGAN 4 – Ang Mapagmahal na Nilalang
Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 12
Edukasyong sa Kagandahang-Asal at Wastong Pag-uugali (EKAWP)
Ikaanim na Grado
I. Layunin
1. Natutukoy ang mga bagay na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos
2. Nakagagawa ng sariling opinyon batay sa paksang pinag-uusapan
3. Napapahalagahan ang mga detalye sa sanaysay
4. Nakasusulat ng maikling sanaysay sa paksang “Ipagpasalamat sa Diyos”
II. Paksang-Aralin:
Ang Mapagmahal na Nilalang
Integrasyon:
• Filipino - Sanaysay
• HEKASI – Pamilyang Pilipino
Referens:
• Character Education 6, pp. 19-25
• TV ad na “Anak” ng Bioflu http://www.youtube.com/watch?v=Epqj2gjH2lw
Mga Kagamitan:
• CD player at kopya ng kantang “Anak” ni Freddie Aguilar
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng klase.
B. Motiveysyon
1. Pagpapatugtog at pagkanta ng “Anak” ni Freddie Aguilar
• Gaano ninyo kamahal ang inyong mga magulang?
• Anu-ano ang mga katangiang taglay ng inyong mga magulang?
• Paano naiiba ang pamilyang Pilipino sa ibang lahi?
C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagbasa ng maikling sanaysay patungkol sa pagmamahal ng Diyos
D. Panlinang na Gawain
1. Ipasagot ang mga sumusunod na tanong:
• Tungkol sa anong bagay ang sanaysay na napakinggan?
• Sino ang tinutukoy na nilalang sa sanaysay?
• Anu-ano ang mga gawain na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos?
• Bakit may naghihirap ang tao kung mahal ng Diyos ang tao?
E. Paglalahat
1. Bakit dapat na makontento ang bawat tao sa mga bagay na laan lamang sa kanya?
F. Paglalapat
1. Tukuyin at ipaliwanag kung alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapasalamat sa Diyos.
• Pagdarasal pagkagaling at bago matulog
• Pakikipag-away sa mga mag-aaral
• Pagdadabog kung hindi napagbigyan sa kahilingan
E. Pagsasagawa
1. Ipapanood ang TV ad na “Anak” ng Bioflu.
2. Tukuyin kung papaano ipinakita o ipinadama ang pagmamahal ng magulang sa anak.
3. Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa paksang “Ipagpasalamat sa Diyos.”
IV. Asaynment
Mag-lista ng mga bagay na gusto mong pasalamatan sa Diyos.

Subscribe to:
Posts (Atom)