Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 1
Musika (MSEP)
Ikaanim na Grado
I. Layunin
1. Nakikilala ang iba’t ibang tempo ng isang awitin/tugtugin
2. Nakakasunod sa tempong accelerando (papabilis na pag-awit/pagtugtog) at ritardando (papabagal na pag-awit/pagtugtog)
3. Naaawit ang Pandangguhan na ayon sa tamang tempo
II. Paksang-Aralin:
Tempo
Integrasyon:
• EKAWP – Pagtitiwala sa sariling kakayahan
• EPP – Pagtitipid ng pinagkukunan
• Science – Other uses of plants and fruits
Referens:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk pp. 60-66
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 53-58
• Rejoice TV ad na “Kering-Keri” http://youtube.com/watch?v=sUZVvY_W018
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)
• Musical score ng “Pandangguhan” d menor 3/4 mi
• Pitch pipe
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpraktis ng tinig o vokaliseysyon
B. Motiveysyon
1. Paglalahad ng musical score ng “Pandangguhan”
2. Pagpapakanta ng “Pandangguhan”.
• Ano ang key signature ng kanta? Anong tunugan ito?
• Ano ang tinatalakay sa kanta?
C. Paglalahad ng Aralin
1. Paano natin kinanta ang awit?
2. Ilahad ang aralin.
D. Malayang Talakayan
1. Pagpapasuri ang musical score ng kanta
• Anu-ano ang mga ginamit na simbolo o pananda sa kanta?
• Anong bahagi ng kanta ang kailangang kantahin sa tempong andante?
• Subukan nga nating kantahin?
• Nasaan sa musical score ang panandang accelerando? ritardando?
• Paano inaawit ang bahaging may simbolong accelerando? ritardando?
2. Ipapanood ang TV ad na “Kering-keri” ng Rejoice.
• Ano ang tempo?
• Anu-ano ang iba’t ibang panandang para sa tempo?
• Ano ang kahulugan ng accelerando? ng ritardando?
• Aling bahagi ng kanta ang kinakanta sa tempong andante?
• Paano ipinapahiwatig ang damdamin ng kanta sa bahaging ito?
• Paano nakatulong ang paggamit ng upang magtiwala sa sariling kakayahan si Kim Chui?
• Gaano kayo kadalas at katagal maligo? kadalas gumamit ng shampoo?
• Ano ang mga alternatibong natural na panlinis at pampalago ng buhok?
E. Paglalahat
• Paano inaawit ang mga bahagi ng komposisyon na may panandang adante, accelerando at ritardando?
• Ano ang nabubuo sa inyong sarili kapag naaawit mo sa tamang tempo ang isang awit?
F. Pagsasagawa
Ipaawit muli ang “Pandangguhan” nang pinapasunod ang lahat ng mga panandang pantempo.
IV. Asaynment
Pag-aralan ang sunod na aralin sa p. 67-69
Magagamit ang mga kaisipang pangkaasalan, pangkabuhayan, pangkalusugan at pangkapaligiran na matatagpuan sa mga pantelebisyong advertisement sa pagtuturo ng Makabayan 6.
Labels
- Kaisipang Pangkaasalan (4)
- Kaisipang Pangkabuhayan (4)
- Kaisipang Pangkalusugan (4)
- Kaisipang Pangkapaligiran (4)
- Pandiscussion (4)
- Pang-activity (4)
- Pang-evaluation (1)
- Pangmotivation (7)
- Sa EKAWP (3)
- Sa EPP (5)
- Sa HEKASI (3)
- Sa MSEP (5)
Blog Archive
Showing posts with label Kaisipang Pangkaasalan. Show all posts

Tuesday, January 22, 2008
A. PANGKAASALAN 2 - Linya at Lawak sa Paningin
Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 2
Sining (MSEP)
Ikaanim na Grado
I. Layunin
1. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng hugis at sukat sa lawak ng espasyo
2. Naipapakita ang kayarian ng galaw at ilusyon ng espasyo sa pamamagitan ng linya
3. Naiguguhit nang buong husay ang iba’t ibang elemento sa pagpapalawak ng espasyo
II. Paksang-aralin:
Linya at Lawak sa Paningin
Integrasyon:
• EKAWP – Matatag na relasyon
• English - Proverbs
Referens:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk, pp. 86-90
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 68-73
• Globe TV ad na “Bridges” http://youtube.com/watch?v=fUjvhX2fKc
• Globe TV ad “Giants” http://youtube.com/watch?v=b_aruPRc5-Q
Mga Kagamitan:
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga bata sa talakayan.
B. Motiveysyon
• Ano ang linya?
• Anu-ano ang iba’t ibang katangian nito?
C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapatayo sa mga bata sa dulo ng isang mahabang corridor o pagpapamasid ng larawan sa pahina 86
• Ano ang napapansin mo sa mga linya sa magkabilang gilid ng daan?
2. Ilahad ang tatalakaying aralin.
D. Pag-aalis ng Sagabal
1. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod: horizon o guhit-tagpuan, invisible point o hinagap na tuldok, at invisible lines o hinagap na mga guhit
E. Malayang Talakayan
1. Ipapanood ang TV ad na “Bridges” ng Globe.
• Ano ang ipinapahiwatig ng ribbon sa advertisement?
• Ano ang kaugnayan ng pagliit ng ribbon sa lawak ng paligid?
2. Ipapanood ng TV ad na “Giants” ng Globe.
• Ano ang pagkakaiba ng tao o bagay na nasa pinaka-ibaba at nasa pinaka-itaas na parte ng screen: magkapatid, mga hagdan ng Banawe Rice Terraces, Chocolate Hills, magbarkada, at mag-ina?
• Saang mga eksana sa advertisement makikita ang horizon o “guhit-tagpuan”?
• Gaano kahalaga ang sukat ng tao o bagay upang maipakitang magkalayo ang bawat isa?
• Bakit mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon?
• Ano ang kahulugan ng mga kasabihang “Out of sight, out of mind” at “Absence makes the heart grow fonder”?
• Alin proverb ang mas pinaniniwalan nyo?
E. Paglalahat
Paano mo maipapakita ang galaw at lawak sa paningin ng espasyo sa pamamagitan ng linya?
F. Pagsasagawa
1. Sa isang puting papel ay gumuhit ng isang malaking parihaba.
2. Ilagay ang mga sumusunod sa lugar na nais mo:
a. Horizon o “guhit-tagpuan”
b. Invisible point o “hinagap na tuldok”
c. Invisible lines o “hinagap na mga guhit”
d. Mga payak na linya sa loob ng invisible line.
Tiyakin na ang dalawang dulo ng mga linya ay umaabot sa dalawang invisible lines. Maaari kang gumawa ng mga nakatayong linya o mga nakahigang linya. Iwasan ang mga nakahilig na guhit.
3. Burahin ang invisible point at invisible lines.
4. Lagyan ng pamagat ang ginawa mong pagpapalawak ng espasyo.
IV. Asayment
Pag-aralan ang sunod na aralin sa p. 118-120

A. PANGKAASALAN 3 - Sentro ng Kawilihan
Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 3
Sining (MSEP)
Ikaanim na Grado
I. Layunin
1. Naipapakita ang kaalaman at pag-unawa sa mga prinsipyo ng sining
2. Naipapahayag ang pagpapahalagang matatamo bilang bunga ng patukoy sa sentro ng kawilihan
3. Naiguguhit ang isang bagay nang naipapakita ang sentro ng kawilihan
II. Paksang-Aralin:
Sentro ng Kawilihan
Integrasyon:
• EKAWP – Pagtitiwala sa sarili
• HEKASI – Mga magagandang tawanin sa Pilipinas
Referens:
• Umawit at Gumuhit 6, Tekstbuk, pp. 112-114
• Umawit at Gumuhit 6, Manwal ng Guro, pp. 88-91
• Bench “Bush” http://www.youtube.com/watch?v=s8JrwQ41hf0
Mga Kagamitan:
• Mga larawan
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ad)
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga mag-aaral para sa talakayan
B. Motiveysyon
1. Ipapanood ang TV ad na “Bush” ng Bench.
• Ano ang pinaka-binigyang atensyon sa TV ad?
• Paano ito binigyang atensyon?
• Ano ang ipinapahiwatig sa TV ad?
• Paano napapataas ng paboritong mong damit o gamit ang pagtitiwala sa sarili mo?
C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapakita sa mga bata ng iba’t ibang komposisyon o larawan na nagbibigay-diin sa sentro ng kawilihan sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan.
• Anu-ano ang nakikita nyo sa larawan?
• Aling bahagi ng komposisyon ang tumatawag ng inyong pansin?
• Paano ginagamit ng pintor ang kulay bilang sentro ng kawilihan?
2. Ilahad ang aralin.
D. Malayang Talakayan
• Paano nabibigyang-diin ang sentro ng kawilihan ng komposisyon sa pamamagitan ng kulay? sa pamamagitan ng mga hugis at anyo?
• Anu-anong kulay madaling makatawag ng atensyon?
• Aling mga hugis at anyo ang madaling mapansin?
• Paano nabibigyang-diin ang sentro ng kawilihan ng komposisyon sa pamamagitan ng lugar o pwesto nito sa isang larawan?
• Saang pwesto ang mas kaagad nakikita?
E. Paglalahat
Paano binibigyang-diin ang mga sentro ng kawilihan?
F. Paglalapat
Anong pagpapahalaga ang mabubuo sa sarili kung nabibigyang diin ang sentro ng kawilihan?
G. Pagsasagawa
1. Umisip ng magandang tanawin sa ating bansa na maaaring ipagmalaki sa mga dayuhan.
2. Iplano kung paano mo ito magagawang sentro ng kawilihan sa inyong disenyo.
3. Iguhit ang bagay na napili at ipakita ang sentro ng kawilihan sa pamamagitan ng kulay, anyo o linya sa kinalalagyang lugar sa kabuuan ng papel.
4. Lagyan ng pamagat.
IV. Asaynment
Pag-aralan ang sunod na aralin sa p. 115-117

A. PANGKAASALAN 4 - Hakbang sa Matalinong Pagpapasya
Mala-Masusing Banghay-Aralin Blg. 4
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)
Ikaanim na Grado
I. Layunin
1. Nakabibigay ng obserbasyon sa ipinakitang larawan
2. Nakakabuo ng isang matalinong pagpapasya kapag hinihingi ng pagkakataon
3. Naisusulat ang mga hakbang sa matalinong pagpapasya ng karakter sa TV ad
II. Paksang-Aralin:
Hakbang sa Matalinong Pagpapasya
Integrasyon:
• EKAWP – Komunikasyon sa loob ng pamilya
• Filipino – Pagbubuod ng kwento
Referens:
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Tekstbuk, pp. 63-64
• Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 6, Manwal ng Guro, pp. 33-34
• Ovaltine TV ad na “Oh No! Monster”
http://youtube.com/watch?v=setXARtnEnQ
Mga Kagamitan:
• Larawan ng pamilyang nagmimiting
• Projector at computer na may internet connection (o computer at kopya ng TV ads)
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda ng mga mag-aaral para sa talakayan
B. Motiveysyon
1. Pagpapakita ng larawan ng pamilyang nagmimiting
• Ano ang obserbasyon nyo sa pamilyang nasa larawan?
• Ganoon din ba kayo sa bahay?
• Anong uri ng pamilya may nakakapag-usap-usap?
C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagpapabasa ng teksto sa pahina 63 ng tekstbuk
2. Pagpapabuod ng binasa
D. Malayang Talakayan
1. Magkaroon ng pagpapalitan ng kuru-kuro tungkol sa paksang tinatalakay.
• Ano ang opinyon mo tungkol sa binasang teksto?
• Sumasang-ayon ba kayo?
2. Hayaang magreport ang mga lider ng bawat pangkat sa kanilang ginawang pag-aaral.
3. Hikayating bumuo ng paglalahat ang mga bata sa inireport.
E. Paglalahat
Isa-isahin ang mga hakbang sa matalinong pagpapasya.
F. Paglalapat
Ano ang nagagawa sa tao kung nakabubuo ng matalinong pagpapasya?
G. Pagsasagawa
1. Panoorin ang TV ad na “Oh No! Monster” ng Ovaltine.
2. Sundan ang hakbang sa matalinong pagpapasya ng karakter.
3. Ilista ang:
a. Suliranin
b. Layuning itinakda
c. Mga pagkukunan
d. Pasya
e. Ginawang pagsasakatuparan
f. Pagpapahalaga
IV. Asaynment
Maglista ng mga suliraning hinaharap, gawan ng pagpapasya at isagawa ang iba’t ibang hakbang.

Subscribe to:
Posts (Atom)